Ex-newsman dinampot ng NBI
August 26, 2005 | 12:00am
Isang dating mamamahayag ang bigla na lamang dinampot ng apat na kalalakihang nagpakilalang mga ahente ng NBI sa kanyang residente sa Paz St., Morning Breeze, Caloocan City.
Ang inaresto ay kinilalang si Confesor Manalo, isang negosyanteng nagbebenta ng mineral water.
Ayon sa kanyang mga business partners na sina Dr. Carmelita Dumlao at anak na si Precy Dumlao, dakong alas-3 ng hapon nang damputin ng 4 na armadong lalaki si Manalo na nagpakita ng isang lumang zerox copy ng warrant of arrest sa kasong libel.
Isinakay ng mga ito si Manalo sa isang grey na Toyota Inova na may plakang ZAB 122.
Nagtataka ang mga kamag-anak ni Manalo dahil matagal nang wala sa media ito pero inaresto pa sa kasong libel.
Sa bisa ng kasunduan ng National Press Club (NPC) at PNP walang media man ang pwedeng arestuhin sa salang libel nang walang koordinasyon sa NPC.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended