^

Metro

Shootout: ‘Resto gang member’ dedo

- Doris Franche-Borja -
Isang miyembro ng kilabot na ‘Resto Gang’ ang nasawi makaraang makipagpalitan ng putok ng baril sa mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) habang nakatakas naman ang isa pang kasama nito, kamakalawa ng gabi sa nabanggit na lungsod.

Dead-on the-spot ang suspect na si Emmanuel Firmacion, residente ng Pio Valenzuela, habang pinaghahanap naman ng pulisya ang kasama nito na agad na nakatakas.

Narekober naman ng mga awtoridad mula sa suspect ang isang kalibre .45 baril, mga bala at tatlong cellphone at mga IDs na pinaniniwalaang buhat sa kanilang mga nabiktima.

Batay sa ulat, naganap ang shootout dakong alas-11:20 ng gabi nang mamataan ng mga nagpapatrulyang pulis ang kahina-hinalang kilos ng mga suspect na kapwa lulan ng Yamaha motorcycle. Nakita ng mga pulis na hinihintay ng mga suspect ang mga kliyenteng nagwi-withdraw sa ATM ng Bank of Commerce sa Roosevelt Avenue.

Isa sa mga suspect ang nakakita sa paparating na pulis kung kaya’t agad na bumaba ng motorsiklo si Firmacion at agad na sinalubong ng putok ng baril ang mga awtoridad. Napilitang gumanti ng putok ang mga pulis hanggang sa tamaan at mapatay ang suspect, nakatakas naman ang kasamahan nito.

Nabatid pa na si Petrasanta ay responsable sa panghoholdap sa ilang mga establisimento sa lungsod.

BANK OF COMMERCE

BATAY

EMMANUEL FIRMACION

FIRMACION

ISA

PIO VALENZUELA

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RESTO GANG

ROOSEVELT AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with