Opisyal ng Makati Fire Department, arestado sa P500 "weekly payola"
August 24, 2005 | 12:00am
Nakumpirma ang sinasabing matagal ng korupsyon sa loob ng Bureau of Fire Protection (BFP) makaraang maaresto sa isang entrapment operation ang isang opisyal ng Makati Fire Department dahil sa pangungulekta ng "weekly payola" sa kanyang mga tauhan.
Nakaditine ngayon sa NBI headquarters ang suspect na si Fire Insp. Rolando Reodique, hepe ng Fire Department Section ng Makati Fire Department.
Sa ulat ng NBI-National Capital Region, nag-ugat ang operasyon matapos na magreklamo ang bumberong si Fire Officer 111 Lorenzo Navarro laban kay Reodique sa pwersahang pangongolekta nito sa kanya at mga kasamahan ng P500 "weekly payola".
Ayon kay Navarro, tinatakot umano sila ni Reodique na tatanggalin ng trabaho kapag hindi makapagbibigay sa kanya ng "payola".
Nakapag-abot na umano si Navarro ng kabuuang P3,000. sa kanyang hepe buhat noong Hunyo 24, habang isang kapwa bumbero naman nito ang nakapagbigay ng P5,500 buhat noong Mayo.
Dahil na rin umano sa panghihingi ni Reodique sa kanila ng "payola" ay napipilitan ang mga bumbero na gumawa ng iligal tulad ng pag-over price ng mga fire extinguisher, pangongolekta sa mga may-ari ng establisimyento at iba pang modus-operandi. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am