Kaugnay nito, inihahanda na ng QC-Bureau of Fire Department ang kasong reckless imprudence resulting to multiple damage to properties at multiple serious physical injuries laban sa Shell Philippines.
Ayon kay QC Councilor Ariel Inton, bubuo siya ng isang local bill upang agarang maparusahan ang mga taong nasa likod ng ganitong uri ng pagsabog.
Bunsod anya ng hindi malinaw na batas na nagpaparusa sa mga ganitong insidente, hindi nabibigyan ng hustisya ang mga naapektuhan nito.
Sa panig naman ng DENR, sinabi ni Secretary Mike Defensor na pina-iimbestigahan na niya ang naganap na insidente.
Lalapatan din nila ng kaukulang parusa ang nabanggit na kumpanya kapag mapatunayan na may ginawa itong paglabag sa environmental rules. (Ulat ni Angie Dela Cruz)