^

Metro

Shell papapanagutin sa tank blast

-
Papapanagutin ng Quezon City government at ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Shell Philippines kaugnay ng naganap na pagsabog ng isang gas tanker nito na ikinasugat ng marami at ikinasira ng tahanan ng mahigit sa 100 residente ng Don Antonio Heights sa may Commonwealth Ave. sa nabanggit na lungsod nitong nakalipas na linggo.

Kaugnay nito, inihahanda na ng QC-Bureau of Fire Department ang kasong reckless imprudence resulting to multiple damage to properties at multiple serious physical injuries laban sa Shell Philippines.

Ayon kay QC Councilor Ariel Inton, bubuo siya ng isang local bill upang agarang maparusahan ang mga taong nasa likod ng ganitong uri ng pagsabog.

Bunsod anya ng hindi malinaw na batas na nagpaparusa sa mga ganitong insidente, hindi nabibigyan ng hustisya ang mga naapektuhan nito.

Sa panig naman ng DENR, sinabi ni Secretary Mike Defensor na pina-iimbestigahan na niya ang naganap na insidente.

Lalapatan din nila ng kaukulang parusa ang nabanggit na kumpanya kapag mapatunayan na may ginawa itong paglabag sa environmental rules. (Ulat ni Angie Dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE DELA CRUZ

AYON

BUREAU OF FIRE DEPARTMENT

COMMONWEALTH AVE

COUNCILOR ARIEL INTON

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

DON ANTONIO HEIGHTS

QUEZON CITY

SECRETARY MIKE DEFENSOR

SHELL PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with