^

Metro

Cyber sex sa city hall siyasatin –DILG

-
Pinaiimbestigahan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Angelo Reyes ang umano’y cyber sex na nagaganap sa loob mismo ng Olongapo City Hall na kinasasangkutan ng empleyado dito.

Ang kautusan ni Reyes ay bunsod na rin ng isinumiteng sworn affidavit ni Ramoncito Sapinoso, isang empleyado ng city hall na madalas umanong ginagamit sa pakikipag-cyber sex ng isa pang kawani ng city hall ang mga computer tuwing Sabado at Linggo gamit ang webcam ng hindi nalalaman ng kanilang opisyal.

Sa salaysay ni Sapinoso, madalas umano niyang naaaktuhan si Esther Rabago na isang support staff ng city hall na gamit ang computer sa pakikipag-cyber sex. Ito umano ay dating tauhan ni Ex-Vice Mayor Cynthia Cajudo.

Nabatid kay Sapinoso na may pagkakataon na nagpapaturo pa umano sa kanya ng mga salitang Ingles si Rabago para sa kanyang pakikipag-chat sa mga foreigner na pinaniniwalaang customer nito gamit ang mga malalaswang salita.

Samantala, isang Noel Lorenzana naman ang umamin na siya ang naka-usap ni Rabago sa telepono at hindi si Atty. Noel Atienza na unang inakusahan ng babae ng sexual harassment. Subalit sinabi naman ni Lorenzana na wala siyang sinabing anumang malalaswang salita kay Rabago. (Doris Franche)

DORIS FRANCHE

ESTHER RABAGO

EX-VICE MAYOR CYNTHIA CAJUDO

NOEL ATIENZA

NOEL LORENZANA

OLONGAPO CITY HALL

RABAGO

RAMONCITO SAPINOSO

SAPINOSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with