Kasabay nito, iniimbestigahan ng QC Arson Investigation kung may criminal liability si Daniel Imbol ang driver ng Pilipinas Shell tank na may plakang XFB-115.
Ilan sa mga biktima ay nakilalang sina Jahara Ramirez,7; Jessica Mae Tabar, 5; John Tabar, 7; Anne Aguilar, 16; Jaime Jolito, 35; Raymond Pinca, 26; Jovelyn Bongon, 23; Amador Aguilar, 47; Amihan Peña, 20; Esteban Tugaro, 33; Jerry Bongon, 28; Alex Asid, 32; Bernardo Serna, 52; Jessica Peña, 22; Masen Tapor, 20; Salvador Tapor, 25; Nerissa Pora; Roberto Daza at Jessamine Tapor. Ang mga ito ay pawang ginagamot sa East Avenue Medical Center.
Sa isinumiteng report ni Sr. Supt. Oscar Villegas ng QC Bureau of Fire, naganap ang insidente dakong alas-5 ng madaling-araw sa Kasiyahan St. Don Antonio Heights, Brgy. Holy Spirit ng nabanggit ding lungsod.
Lumilitaw sa report na nakaparada ang gasoline tank nang hindi namalayan ni Imbol na tumatagas ang gasolina sa tangke hanggang sa umagos ito sa kanal na patungo sa mga kabahayan sa nabanggit na subdivision.
Posible naman umanong may nagluluto hanggang sa madikit ang gasolina sa apoy at sunud-sunod na ang naging pagsabog at pag-apoy na naging sanhi ng pagkasugat ng mga residente at pagkawasak ng kanilang mga bahay.
Agad namang binisita ni QC Mayor Feliciano Belmonte ang lugar kung saan inatasan si Brgy. Capt. Chito Valmocina na alamin ang bilang ng mga pamilyang naapektuhan ng sunog upang mabigyan ng kaukulang tulong.