^

Metro

Australian national, 2 pa dinukot sa QC

-
Tatlong kabataan na kinabibilangan ng isang Australian ang umano’y dinukot ng limang armadong kalalakihan sa loob ng bahay kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) director Chief Supt. Nicasio Radovan Jr. ang mga biktima na sina Michael Serrano, Alfred Batolio at Charles Sajor, Australian national, pawang mga 15-anyos at residente ng #53 Roces Ave., Brgy. Laging Handa, Quezon City.

Batay sa report ni Radovan, dakong alas-12:45 ng madaling-araw nang maganap ang pagdukot sa mga biktima sa nasabing lugar.

Bigla na lamang umanong pumasok ang mga suspect sa bahay ng mga biktima na pawang armado ng mga matataas na kalibre ng baril at nagpakilalang mga miyembro ng Task Force Hunter.

Dinala ng mga suspect ang tatlong biktima at ilang mga importanteng mga dokumento.

Matapos na makuha ang pakay ng mga suspect ay mabilis na sumakay ang mga ito sa isang Toyota Corolla, at Mitsubishi Lancer, may plakang VCP-985. Ito ay base na rin sa logbook ng guwardiya na nakilala lamang sa pangalang Bandiola.

Sa kasalukuyan ay hindi pa rin malinaw ang motibo ng naganap na pagdukot habang patuloy pa rin ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng mga awtoridad. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

ALFRED BATOLIO

CHARLES SAJOR

CHIEF SUPT

DORIS FRANCHE

LAGING HANDA

MICHAEL SERRANO

MITSUBISHI LANCER

NICASIO RADOVAN JR.

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with