Ret. bank executive patay sa ambus
August 21, 2005 | 12:00am
Nasawi ang isang retired executive ng Bank of the Philippine Island (BPI), habang sugatan naman ang babaeng kasama nito na empleyada sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) matapos na pagbabarilin ng dalawang hindi nakikilalang lalaki, kahapon ng umaga sa Pasay City.
Namatay noon din ang biktimang nakilalang si Benjamin Beltran, 52, ng 2227 G. Cruz, Brgy. Baclaran, Parañaque City makaraang magtamo ng tama ng bala ng baril sa mukha, panga at katawan.
Sugatan naman at ginagamot sa Manila Doctors Hospital si Elaine Lunar, dalaga, ng M. Santos St., Pasay City.
Mabilis namang nagsitakas ang hindi pa nakikilalang mga suspect sakay ng isang scooter na hindi nakuha ang plaka.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-6:45 ng umaga sa may parking lot ng Tanghalang Balagtas sa Folk Arts Theater, CCP Complex, Roxas Boulevard, Pasay City.
Nabatid na nagpaalam ang biktimang si Beltran sa kanyang misis na si Nila na magja-jogging lamang sa nabanggit na lugar.
Ayon sa ulat ng pulisya, habang nasa loob ng sasakyan na isang Mitsubishi Lancer na may plakang PJJ 633 na nakaparada sa lugar sina Beltran at Lunar ay bigla itong nilapitan ng dalawang lalaki na nakasakay sa scooter at walang sabi-sabing pinaulanan ng bala ng baril.
Matapos ang isinagawang krimen mabilis na tumakas ang mga suspect.
Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya ukol sa pangyayari at inaalam kung ano ang motibo sa isinagawang pagpaslang sa biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am