^

Metro

67-anyos na trader, nilooban saka pinatay

-
Saksak at palo ng dumbbell sa mukha ang ikinamatay ng isang 67-anyos na negosyante matapos itong pagnakawan ng mga di-nakilalang suspect, kahapon ng madaling-araw sa Valenzuela City.

Patay na nang matagpuan sa loob ng kanyang bahay ang biktimang si Agapito Soriente, ng #299 T. Santiago St., Brgy. Lingunan ng nasabing lungsod dakong alas-4.

Sa pahayag ng anak ng biktima na si Gerardo Soriente, pagdating niya sa bahay ng ama ay nagulat siya nang makitang butas ang apat na gulong ng sasakyan nitong Isuzu Crosswind (XCP-698) na nakaparada sa parking area ng bahay ng matanda.

Napansin din ni Gerardo na wasak ang pintuan ng bahay at nagkalat ang mga gamit sa loob.

Agad na naghinala si Gerardo kaya’t nagmamadali itong nagtungo sa kuwarto ng biktima at tumambad sa kanya ang patay na katawan ng kanyang ama habang nagkalat din ang mga laman ng aparador sa loob ng kuwarto.

Sa imbestigasyon ng pulisya, binusalan ng towel ang bibig ng biktima bago binalutan ng masking tape ang mukha.

Nabatid pa na ang biktima ay pinalo ng dumbbell sa mukha bago sinaksak sa katawan bukod pa sa malaking hiwa sa kanyang mukha nito na naging dahilan ng maaga nitong kamatayan.

Lumalabas din na nawawala ang pera ng biktima na umaabot sa P120,000 na nakalagay sa isa sa mga cabinet sa loob ng kuwarto at maging ang diamond ring nito na nagkakahalaga ng P80,000 na pinaniniwalaang kasamang ninakaw ng mga suspect.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa naganap na insidente. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

AGAPITO SORIENTE

BRGY

GERARDO

GERARDO SORIENTE

ISUZU CROSSWIND

KASALUKUYANG

LINGUNAN

ROSE TAMAYO

SANTIAGO ST.

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with