^

Metro

Transport strike ikinasa

-
Handang-handa na at nakakasa na ang isasagawang malawakang welga ng transport groups sa susunod na linggo dahil sa inaasahang implementasyon ng Expanded Value Added Tax (EVAT).

Ang naturang strike ay pangungunahan ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON), gayundin ng Philippine Confederation of Drivers and Operators-Allianced of Concerned Transport Organization (PCDO-ACTO).

Sa isang telephone interview, nagkakaisang sinabi nina Mar Garvida-National President ng PISTON at Efren de Luna, ng PCDO ACTO kasado na ang gagawin nilang nationwide strike sa nabanggit na araw bilang matinding protesta sa pagpapatupad sa EVAT.

Nabatid pa sa dalawa na nakarating na sa kanilang kaalaman na sa susunod na linggo ay magpapalabas na ng desisyon ang Korte Suprema na mag-aalis na sa temporary restraining order (TRO) para tuluyang mapa-implementa ang EVAT law.

"Pagna-lift na ang TRO sa EVAT, tiyak agad na tatlong piso ang itataas sa halaga ng gasolina na lubha na namang magpapahirap sa amin at sa publiko," dagdag pa ni Garvida.

Nanawagan din ang mga naturang transport leader na sa halip na ipatupad ang pahirap na EVAT ay dapat na gawing prayoridad ng pamahalaan ang pagbibigay ng magandang serbisyo sa taumbayan at hindi puro usaping pulitika na lamang ang pinagkakaabalahan. (Ulat ni Angie Dela Cruz)

ANGIE DELA CRUZ

DRIVERS AND OPERATORS-ALLIANCED OF CONCERNED TRANSPORT ORGANIZATION

EFREN

EXPANDED VALUE ADDED TAX

GARVIDA

HANDANG

KORTE SUPREMA

MAR GARVIDA-NATIONAL PRESIDENT

OPERATORS NATIONWIDE

PINAGKAISANG SAMAHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with