Dinukot na batang Tsinoy, pinalaya na
August 19, 2005 | 12:00am
Makalipas ang pitong araw na pagkabihag, tuluyan nang nakabalik sa kanyang mga magulang ang dinukot na 11-anyos na Tsinoy sa Sta. Cruz, Maynila matapos umanong magbayad ng halagang P2 milyong ransom para sa pagpapalaya rito.
Kamakalawa, dakong alas-3:30 ng madaling- araw nang iwan ang batang biktimang si Ryan Yu sa mga security guard ng Grace Village sa Sgt. Rivera, Masambong Quezon City.
Eksaktong alas-4 ng madaling-araw ay naibalik na ito sa kanyang mga magulang.
Nabatid pa na nasa maayos namang kalagayan ang bata at hindi ito sinaktan.
Base sa kuwento ng bata, pagsakay na pagsakay niya ng sasakyan ng mga suspect noong dukutin ito noong nakalipas na Agosto 10 ng umaga sa harap ng tinutuluyang condominium sa Sta. Cruz, Maynila ay agad na piniringan ang kanyang mga mata.
Inalis lamang ang piring sa mata ng bata nang nasa loob na siya ng isang bahay.
Pinakakain naman umano ang bata at inaasikaso sa loob ng pitong araw na pagkabihag.
Bagamat walang anumang komento ang mga magulang ng bata, sinabi ng isang source na dalawang milyong ransom ang napakawalan ng mga ito para kapalit ng kalayaan ng batang biktima. (Jo Abelgas)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am