Ina ginulpi ng 3 anak
August 19, 2005 | 12:00am
Tatlong magkakapatid ang inaresto ng Quezon City Police District matapos nilang pagtulungang gulpihin at pagbantaan ang buhay ng kanilang sariling ina sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.
Pasa at galos sa katawan ang tinamo ng inang biktima na nakilalang si Lenabelle Planas, ng Pechayan Kanan, Brgy. North Fairview, Quezon City mula sa mga anak na sina Anacito,30; Wilfredo, 25, at Alex, 22, kasama pa ang kaibigan nilang si Jojo Lleabres.
Sa salaysay ng biktima kay SPO1 Emmanuel Solomon ng QCPD-Fairview Station 5, bandang alas-7 ng gabi kamakalawa nang maganap ang insidente sa kanilang bahay.
Ayon sa salaysay ng ginang, lagi umano niyang napagsasabihan ang kanyang mga anak dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa ibat ibang bisyo. Subalit inakusahan siya ng mga anak na bulagsak sa bahay at kung kani-kaninong lalaki nahuhumaling.
Nagkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa bigla na lamang umano siyang pinagsusuntok ng mga anak at sumabay pa sa pananakit ang kaibigan ng mga ito na si Lleabres.
Sa kabila ng nadaramang sakit sa katawan, pilit pa ring nagtungo sa presinto ang ginang at inireport ang nasabing insidente. May hinala ang pulisya na lango sa alak at ipinagbabawal na gamot ang mga suspect. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended