Teacher tinodas ng driver
August 19, 2005 | 12:00am
Isang 37-anyos na Science teacher ang pinatay ng isang bangag sa rugby na jeepney driver makaraang tumangging ibigay ang cellphone nito sa harap ng kanyang bahay, kamakalawa sa Sta. Cruz, Maynila.
Naaresto naman ng mga tauhan ng Manila Police District-Homicide Section ang suspect na si Rolando Garcia, 47, may-asawa, jeepney driver at residente ng Dos Castillas St., Sta. Cruz, Manila.
Nakilala ang biktima na si Ann Margarette Bonaobra, Science teacher sa Don Mariano High School at residente ng 2445 M. Hizon St., Sta. Cruz.
Batay sa salaysay ni Rose Bonaobra, stepmother ng biktima, dakong alas-10 ng umaga nang matuklasan nito ang duguang biktima na nakahandusay malapit sa hagdanan ng kanilang bahay.
Dito aniya nakita ang papatakas na suspect bitbit ang cellphone ng biktima. Mabilis naman nilang isinugod ang biktima sa Jose Reyes Memorial Medical Center ngunit binawian din ng buhay dahil sa tama ng saksak sa mukha at leeg.
Agad namang nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya kung saan nadakip ang suspect sa harap ng bahay nito.
Sa loob ng istasyon, sinabi ni Garcia na hindi niya pinagsisisihan ang pamamaslang dahil sa umanoy pagiging matapobre ng biktima at pagsasalita sa kanya at asawa ng masasakit na pintas.
Nakadetine ngayon sa MPD-detention cell ang suspect at nahaharap sa kasong robbery with homicide.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am