PCP commander sinibak sa armored van holdap
August 18, 2005 | 12:00am
Sinibak kahapon ang Police Community Station Commander (PCP) ng Brgy. San Antonio, Pasig City matapos na mapatunayan na nagpabaya ito sa tungkulin kaya nakalusot ang mga armored van holdapers at nakatangay ng malaking halaga ng pera noong Lunes ng umaga sa Ortigas Center ng lungsod na ito.
Ayon kay Eastern Police District (EPD) Director Oscar Valenzuela, sinibak niya sa puwesto bilang PCP Commander Station 19 si P/Chief Insp. Jaime Cadatal matapos hindi ito agarang nakaresponde, sampu ng kanyang mga tauhan nang maganap ang panghoholdap sa isang armored van ng anim na armadong kalalakihan at nakatangay ng hindi pa batid na halaga ng pera at ikinasugat ng apat-katao noong Lunes ng umaga.
Napag-alaman na ang nasabing presinto ay 150 metro lang ang layo sa lugar ng insidente sa kahabaan ng ADB Avenue, Ortigas, Brgy. San Antonio ng lungsod na ito.
Sa pagri-review ng pulisya ng video camera sa nasabing insidente, lumalabas na matagumpay na naisagawa ng mga suspect ang panghoholdap sa loob lang ng 25 segundo kaya malaki ang kanilang paniniwala na pinagplanuhan itong mabuti at mga beterano na ang mga suspect.
Ayon naman kay Pasig City police chief Sr. Supt. Raul Medina, mayroon na silang tinutumbok na grupo subalit sa ngayon ay hindi muna maaaring ibunyag upang hindi masira ang kanilang operasyon. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest