Si Manzano ay inireklamo sa tanggapan ng homicide section ng Criminal Investigation Service (CIS) ng Makati City Police ng mga biktimang sina Rolando Gato, 36, truck driver ng Binangonan Rizal at ang helper nitong si Rolando Mendipol, 30, ng Teresa, Rizal.
Ayon sa ulat naganap ang insidente dakong alas-11:30 ng gabi sa panulukan ng Gil Puyat at Makati Avenue, Makati City.
Minamaneho umano ng aktor ang kanyang kulay green na Toyota Revo na may plakang WAP 253 habang ang mga biktima naman ay lulan sa isang delivery truck at kapwa binabagtas ang nabanggit na lugar. Nabatid na nagkagitgitan ang mga ito sa trapiko dahilan upang galit na bumaba si Manzano sa kanyang sasakyan.
Bumaba rin ang mga biktima at dito sinapak ni Manzao ang mga biktima kinuha pa umano ng aktor ang bag ng isa sa biktima at ang drivers license ni Gato. (Ulat ni Lordeth Bonilla)