^

Metro

Edu Manzano nanapak sa Makati

-
Nahaharap sa kasong physical injuries ang aktor at chairman ng Optical Media Board (OMB) na si Edu Manzano matapos umano nitong sapakin at tangayin ang bag ng isang driver ng truck at helper nito dahil lamang sa gitgitan sa trapiko, kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Si Manzano ay inireklamo sa tanggapan ng homicide section ng Criminal Investigation Service (CIS) ng Makati City Police ng mga biktimang sina Rolando Gato, 36, truck driver ng Binangonan Rizal at ang helper nitong si Rolando Mendipol, 30, ng Teresa, Rizal.

Ayon sa ulat naganap ang insidente dakong alas-11:30 ng gabi sa panulukan ng Gil Puyat at Makati Avenue, Makati City.

Minamaneho umano ng aktor ang kanyang kulay green na Toyota Revo na may plakang WAP 253 habang ang mga biktima naman ay lulan sa isang delivery truck at kapwa binabagtas ang nabanggit na lugar. Nabatid na nagkagitgitan ang mga ito sa trapiko dahilan upang galit na bumaba si Manzano sa kanyang sasakyan.

Bumaba rin ang mga biktima at dito sinapak ni Manzao ang mga biktima kinuha pa umano ng aktor ang bag ng isa sa biktima at ang driver’s license ni Gato. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BINANGONAN RIZAL

CRIMINAL INVESTIGATION SERVICE

EDU MANZANO

GIL PUYAT

LORDETH BONILLA

MAKATI AVENUE

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

OPTICAL MEDIA BOARD

ROLANDO GATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with