^

Metro

P1 pang fare increase sa jeep giit ng transport groups

-
Ikakasa na rin ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) at ng Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP) ang P1 fare increase para sa mga pampasaherong jeep.

Ayon kay FEJODAP President Zeny Maranan at ALTODAP President Boy Vargas, nararapat lamang na humirit muli sila ng dagdag na pasahe sa jeep dahil tatlong beses nang tumaas ang halaga ng produktong petrolyo.

Matapos anilang maipatupad ang P7.50 minimum fare sa PUJ at P8 sa ordinary bus, tatlong beses nang tumaas ang halaga ng gasolina kada litro o may kabuuang P1.50.

"Hindi na talaga mapipigilan na makahingi muli kami ng dagdag na halaga sa pasahe sa jeep dahil sa sunud-sunod na namang taas sa halaga ng produktong petrolyo," pahayag ni Maranan.

Niliwanag din ni Vargas na tanging ang pagtataas lamang sa singil sa pasahe ang magiging pampunan sa epektong dinudulot sa kanilang kabuhayan ng magkakasunod na oil price increase.

Una rito, nagpahayag si Efren de Luna, pangulo ng Philippine Confederation of Drivers Organization-Alliance of Concerned Transport Operators (PCDO-ACTO) na magsasampa sila ng P1 dagdag sa singil sa pasahe sa jeep sa epektong dulot ng patuloy na pagtaas ng halaga ng gasolina.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) chairperson Ma. Elena Bautista na walang aaksiyonang petisyon para sa fare increase sa jeep at ordinary bus ang ahensiya hanggang matapos ang taong 2005.

Isang beses isang taon lamang aniya umaaksiyon ang LTFRB sa anumang fare increase petition sa nabanggit na mga pampasaherong sasakyan.

Nitong nakalipas na Hulyo, inaprubahan ng LTFRB ang P7.50 minimum fare sa PUJ at P8 sa ordinary bus. (Ulat ni Angie Dela Cruz)

ANGIE DELA CRUZ

AYON

DRIVERS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

DRIVERS ORGANIZATION-ALLIANCE OF CONCERNED TRANSPORT OPERATORS

EFREN

ELENA BAUTISTA

HULYO

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

PRESIDENT BOY VARGAS

PRESIDENT ZENY MARANAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with