Carnapping at roberry syndicate sa Valenzuela, nabuwag
August 15, 2005 | 12:00am
Nabuwag na ng Valenzuela City Police ang isa sa mga kilabot na grupo ng carnapping at robbery syndicate na kumikilos sa nabanggit na lungsod makaraang maaresto ang lider nito at isa pang miyembro, kamakalawa ng hapon sa boundary ng Bulacan at Valenzuela City.
Kinilala ni P/Supt. Valdemor "Billy" Beltran ang mga suspect na sina Michael "Poroy" Sison, 25-anyos, lider ng "Poroy Group" na pansamantalang naninirahan sa 19 Catleya St., Bahagyang Pag-asa Subd., Maysan, Valenzuela City at Manolito Navarro, alyas Zacarias, 30-anyos at residente ng G. Marcelo St. ng nabanggit na lungsod.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2 ng hapon nang maaresto ang mga suspect sa San Jose del Monte, Bulacan makaraang magsagawa ng hot pursuit operation ang mga kagawad ng Valenzuela City Police.
Nabawi mula sa posisyon ng mga suspect ang isang carnapped vehicle na Mazda na may plakang XPY-385 at pag-aari ng Chinese trader na si Joel Tan pati na rin ang bag ng huli na naglalaman ng malaking halaga ng pera at iba pang mahahalagang kagamitan.
Nabatid na tinangay ng mga suspect ang nabanggit na sasakyan ni Tan noong Agosto 11, 2005 sa tahanan nito sa Bahagyang Pag-asa Subd. sa Valenzuela City.
Sa rekord ng pulisya, si Sison ay may standing warrant of arrest na inisyu ni Judge Nena Santos ng RTC Branch 171 para sa patung-patong na kaso ng Robbery. (Rose L. Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended