^

Metro

2 miyembro ng sindikatong nagpapakalat ng pekeng pera timbog

-
Nalambat ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang hinihinalang miyembro ng sindikato na nagpapakalat ng pekeng pera sa isang entrapment operation sa Caloocan City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Pedro Layag Mazo, 54, ng #3 Road 6, Manggahan Ext., Marikina City at Teofila Garma Argao, 46, ng #83 Tritan St., Bagong Barrio, Caloocan City.

Sa ulat ni Atty. Ferdinand Lavin ng Counter Intelligence Division (CID), isang informant ang lumapit at iniulat ang pagkakaroon ng ilegal na transaksiyon sa isang mall sa Cubao, Quezon City kung saan nagbenta ang suspect na si Pedro Mazo ng mga pekeng P500 bill sa halagang P170 bawat piraso.

Matapos na makumpirma na peke ang naturang mga pera, agad nagsagawa ng entrapment operation ang CID kasama ang mga opisyal ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Inaresto si Mazo sa loob ng mall sa Cubao, Quezon City noong Agosto 4 matapos na magbenta ng pekeng P500 bill sa isang ahente na nagpanggap na buyer.

Nagsagawa muli ng follow-up operation ang NBI kung saan dinakip naman si Argao sa loob ng bahay nito sa Caloocan City matapos na magsagawa ng bentahan ng pekeng pera.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang 65 piraso ng pekeng P500 bills buhat kay Argao at 12 piraso naman kay Mazo.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Article 168 ng Revised Penal Code o Illegal and Use of False Treasury Bank Notes sa Caloocan City Prosecutor’s Office at nakadetine sa NBI detention cell. (Ulat ni Danilo Garcia)

ARGAO

BAGONG BARRIO

BANGKO SENTRAL

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY PROSECUTOR

CITY

COUNTER INTELLIGENCE DIVISION

CUBAO

DANILO GARCIA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with