Kelot napagkamalang asset, binoga
August 14, 2005 | 12:00am
Patay ang isang lalaki ng mapagkamalang asset ng pulisya at pagbabarilin ito ng isang pinaniniwalaang miyembro ng sindikato ng ilegal na droga, habang nasa kritikal namang kondisyon ang isa pa na mabilis na umusyoso sa insidente, kamakalawa ng gabi sa Pasig City.
Nakilala ang nasawi na si Gerald Salangsang na nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa likod at residente ng Morales Compound De Castro Subdivision, Brgy. Sta. Lucia ng nabanggit na lungsod, habang kasalukuyan pang nasa kritikal na kondisyon sa Rizal Medical Center si Jesmer Martinez, 18. Mabilis namang tumakas ang hindi pa nakilalang suspect matapos ang insidente.
Ayon sa pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi habang naglalakad ang mga biktima sa kahabaan ng Baltazar St. Brgy. Palatiw ng nasabing lungsod.
Pagsapit sa tapat ng gasolinahan ay lumitaw buhat sa madilim na bahagi ng lugar ang nag-iisang suspect at agad na pinagbabaril si Salangsang, nakiusyoso naman si Martinez kaya inakala ng suspect na kasama ito at pinagbabaril din.
Ayon pa sa pulisya na ang lugar na pinangyarihan ng pamamaril ay kilalang pugad ng sindikato ng ilegal na droga kaya posibleng napagkamalang police asset si Salangsang kaya pinagbabaril ito.
Nagsasagawa na ng follow-up operation ang pulisya para sa agarang paglutas ng kaso. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended