Ang dinakip na kasalukuyang iniimbestigahan sa tanggapan ng Womens Desk Office ng Caloocan City Police ay nakilalang si Tom Gayatao, Science teacher sa Bagong Barrio Elementary School.
Siya ay inaresto ng pinagsanib na tropa ng barangay at pulisya sa loob mismo ng paaralan habang nagtuturo matapos ireklamo ng biktimang itinago sa pangalang Marie, grade 5 pupil.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap umano ang pang-aabuso noong nakaraang Martes ng hapon sa mismong comfort room sa nasabing paaralan makaraang pasukin ang biktima ng suspect habang nagbabawas.
Sinasabing wala na umanong nagawa ang biktima nang paghahawakan ito sa maselang parte ng katawan ng suspect kung kaya naisakatuparan ang pang-aabuso.
Ayon pa sa ulat, dalawang araw na kinimkim ng biktima ang masamang naranasan sa kamay ng guro hanggang kamakalawa ng gabi ay nagpasya itong ipagtapat ang lahat sa kanyang mga magulang na agad namang nagsumbong sa mga awtoridad at ipinaaresto ang suspect.
Itinatanggi naman ng guro ang akusasyon sa kanya ng kanyang pupil.
Samantala, napag-alaman kay Senior Supt. Napoleon Cuaton, ng Station Intelligence and Detective Management Bureau na lumitaw sa medico legal ng biktima na intact ang kaselanan nito patunay na walang naganap na rape at posibleng mauwi lamang ang kaso sa acts of lasciviousness. (Ulat nina Ricky Tulipat At Rose Tamayo)