Holdaper patay sa shootout

Patay ang isang miyembro ng Batang City Jail (BCJ) makaraang mangholdap at makipagbarilan sa isang pulis, kahapon ng madaling- araw sa Quezon City.

Dalawang tama ng bala ng baril sa katawan ang natamo ng suspect na si Roy Villanueva, na isa umanong wanted sa kasong panloloob sa Honey Minimart convenience store sa West Fairview sa nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, matagal na umanong minamanmanan si Villanueva at bandang alas-2 ng madaling araw ay naispatan ito ni PO3 Randolf Folperi sa isang lamayan sa kanto ng Tulip St. at Lilac St. sa West Fairview.

Isasakay na ng mobile si Villanueva nang bigla itong tumakbo at ilabas ang .38 kalibre nitong baril ngunit bago pa man makapagpaputok ang suspect ay inunahan na ito ni Folperi,

Nabatid na kalalaya pa lamang ni Villanueva sa pagkabilanggo noong nakaraang Mayo dahil sa mga kaso ng robbery hold-up at snatching. (Doris Franche)

Show comments