28 arestado sa ilegal na pasugalan
August 11, 2005 | 12:00am
Dalawamput walo katao ang inaresto ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group matapos suyurin ang mga ilegal na pasugalan sa Maynila.
Ayon kay PNP-CIDG director Ricardo Dapat, ang random operations ay alinsunod sa pinalakas na anti-illegal gambling campaign ng pamahalaan.
Nasamsam sa operasyon ang P1,576 gambling bets, mga gambling paraphernalias at kung anu-ano pa.
Nasamsam din ang ilang TV sets, mga telepono na ginagamit sa bookies operation, gayundin ang ruta na ginagamit naman sa recording ng horse -racing bets.
Sa nasabing operasyon, 28 katao ang nasakote hanggang sa nangangasiwa sa nasabing mga ilegal na pasugalan.
Nahaharap ngayon ang mga suspect sa kasong paglabag sa Republic Act 1602 o ang Anti-Illegal Gambling Law. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended