^

Metro

Bading kinatay sa parlor

-
Laslas ang leeg at tadtad ng saksak nang matagpuan ang hubot-hubad na katawan ng isang 34-anyos na baklang beautician na hinihinalang pinagnakawan muna bago pinaslang, kahapon ng madaling araw sa Marikina City.

Kinilala ang biktimang si Ulyses Adorable, mas kilala sa alyas na Donita Rose. Natagpuan ito ng kanyang kaibigan na naliligo sa sariling dugo at wala nang buhay sa kanyang inuupahang parlor sa kahabaan ng J.P. Rizal St., Brgy. Calumpang ng nasabing lungsod.

Samantala, kasalukuyang pang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng dalawang kalalakihan na huling nakitang kausap ng biktima na hinihinalang silang nagsagawa ng karumal-dumal na krimen.

Ayon kay PO3 Orlando Salen, may hawak ng kaso, dakong ala-1:30 ng madaling araw ng matagpuan ang bangkay ng biktima ng kaibigan nitong si Severino Sevilla.

Batay sa sinumpaang salaysay ni Sevilla, pupunta siya sa parlor ng biktima upang tulungan itong maglinis at magsara nang makita niya ang bangkay ng kaibigan na duguan at tadtad ng saksak sa katawan. Mabilis siyang humingi ng tulong sa pulisya.

Napag-alaman pa kay Sevilla na dalawang oras bago matuklasan ang krimen ay nakitang dalawang lalaki ang kausap ni Adorable sa harap ng parlor kaya malaki ang posibilidad na kakilala nito ang mga suspect.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang isang patalim at isang gunting na pawang may dugo at pinaniniwalaang siyang ginamit sa pagpatay sa biktima. Nawawala rin ang cellphone nito at ang perang kinita nito. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

AYON

BATAY

DONITA ROSE

EDWIN BALASA

MARIKINA CITY

ORLANDO SALEN

RIZAL ST.

SEVERINO SEVILLA

SEVILLA

ULYSES ADORABLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with