^

Metro

Shabu chemical nasamsam

-
Labing-walong drum ng ethir, isang uri ng chemical na hinihinalang hinahalo sa paggawa ng shabu ang nadiskubre ng pulisya mula sa bahay ng isang Taiwanese national habang nagsasagawa ang mga ito ng isang routine check-up sa isang subdivision sa Parañaque City kamakalawa.

Sa report na natanggap ni Parañaque City Chief of Police, Supt. Ronald Estilles, sa pagitan ng alas-4 at alas-5 ng hapon, nadiskubre ang naturang mga kemikal sa #8 Saint Jude St., Multinational Village, Brgy. Moonwalk, ng lungsod na ito na pag-aari ni Li Chu Wang, habang nagsasagawa ng routine check-up sa naturang lugar.

Nabatid na ang ethir ay isang uri ng kemikal na hinahalo sa paggawa ng shampoo at nail polish. Napag-alaman pa rin na ang 18 drum ng ethir ay hindi pa kinukumpiska ng mga pulis kung saan naroon pa rin ito sa naturang bahay. Hindi nadatnan si Wang sa bahay.

Matatandaan na ang naturang subdivision ay ilang ulit nang sinalakay ng mga awtoridad dahil sa sunud-sunod na shabu laboratory na nadiskubre rito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BRGY

CITY CHIEF OF POLICE

LABING

LI CHU WANG

LORDETH BONILLA

MATATANDAAN

MULTINATIONAL VILLAGE

NABATID

RONALD ESTILLES

SAINT JUDE ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with