4 na kotong cops sinibak
August 9, 2005 | 12:00am
Sinibak na sa tungkulin ni NCRPO chief Director Vidal Querol ang apat na pulis na nahuling nangongotong ng P2,000 sa isang miyembro ng jeepney driver association sa Parañaque City.
Kahapon iniutos na ni Querol ang summary dismissal proceedings laban sa mga suspect na sina SPO4 Dante Mijares, PO3 Dennis Michael Duran, PO3 Rolando Ty at PO1 Boots Redito, pawang nakatalaga sa Regional Special Action Unit upang hindi na pamarisan ng mga kapulisan ang ginawang kalokohan ng mga ito.
Ang apat na pulis ay inaresto makaraang ireklamo ng biktimang si Alfredo Buenaventura, 43, miyembro ng Multinational Transport Cooperative sa Parañaque Police na kumukuha ng P2,000 tong kada linggo na agad namang nagsagawa ng entrapment operation na ikinaaresto ng mga ito.
Samantala, hugas kamay naman si RSAU chief Supt Roberto Villanueva at sinabing hindi niya alam ang mga ilegal na gawin ng kanyang mga tauhan.
Bukod sa pagsibak ay kinasuhan din ang mga suspect ng robbery extortion bukod pa sa kasong administratibo laban sa mga ito. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am