FX driver hulog sa ilog
August 8, 2005 | 12:00am
Pinangangambahang nilamon ng ilog ang isang 56-anyos na driver matapos na anurin ng agos dulot ng malakas na ulan kamakalawa ng gabi sa Marikina City.
Kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng search and rescue operation ang mga tauhan ng Rescue 161 ng Marikina Police upang hanapin ang biktimang si Elpidio de Vera, ng Farmers 2, Brgy. Concepsion ng naturang lungsod.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-9 ng gabi nang pilitin ng biktima na tawirin ang Tumana Bridge sakay ng kanyang Tamaraw FX na may plakang UFG-416 sa kabila ng mataas na tubig bunsod ng malakas na ulan.
Habang nasa kalagitnaan ng tulay, biglang hinampas ng malakas na hangin ang sasakyan hanggang sa mahulog ito sa tulay.
Kahapon ng umaga nang matagpuan ang sasakyan ng biktima may 100 metro ang layo mula sa kinahulugan nito subalit wala doon si de Vera. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended