14 pang galamay timbog: Lider ng 'Hamin gang' patay sa shootout
August 7, 2005 | 12:00am
Isang lalaki na lider ng isang big-time syndicate na lumilinya sa kidnapping, robbery at droga ang nasawi, habang 14 pa nitong galamay ang naaresto makaraang makipagsagupaan sa mga tauhan ng pulisya matapos ang isinagawang buy-bust operation, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.
Nasawi noon din ang suspect na si Benjamin Ada, 41, tubong Samar at sinasabing naglulungga sa may apat na palapag ng isang gusali na matatagpuan sa Santa Ana Drive, Brgy. Sun Valley, Parañaque City. Nagtamo ito ng maraming tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Napag-alaman na si Ada ay pinaniniwalaang lider ng "Hamin Group" na nag-ooperate sa Metro Manila at karatig lugar.
Samantala, isang pulis na nakilalang si PO1 Jimmy Reginaldo, nakatalaga sa Special Operation Group (SOG) ng Parañaque City Police ang nasugatan sa naganap na sagupaan sanhi ng tinamong tama ng bala sa kanang braso.
Kaugnay nito, 14 na kasamahan ni Ada kabilang ang dalawang babae ang nadakip. Ayon kay Parañaque City chief of police Supt. Ronald Estilles, naganap ang insidente dakong alas-6 ng gabi sa hide out ng grupo ni Ada sa nabanggit na lugar.
Nabatid pa kay Estilles na matagal na nilang sinusubaybayan si Ada at ang grupo makaraang makatanggap sila ng ulat tungkol sa operasyon ng mga ito.
Isang buy-bust operation ang inihanda dahil natuklasan din na sangkot ang "Hamin Group" sa talamak na bentahan ng droga.
Nabatid na habang aarestuhin si Ada ay bigla itong pumalag at bumunot ng baril, maging ang mga kasamahan nito at pinaulanan ng bala ang mga pulis. Tinamaan dito si PO1 Reginaldo.
Napilitang makipagpalitan ng putok ng mga awtoridad na ikinatama at ikinasawi ni Ada at ang pagkadakip sa mga kasamahan.
Narekober sa kuta ng sindikato ang ilang matataas na kalibre ng baril, tulad ng M16 armalite rifle, sub-machinegun, hand grenade at set ng two way radio na pinaniniwalaang ginagamit ng grupo sa kanilang operasyon. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended