3 Mandaluyong salvage cops sinibak
August 6, 2005 | 12:00am
Inirekomenda kahapon ni Mandaluyong City police chief Supt. Ericson Velasquez ang pagsibak sa tatlong Mandaluyong police na pinaniniwalaang sumalvage sa isang 19-anyos na binata na kanilang inaresto at ilang oras ang nakalipas ay natagpuan ang bangkay nito sa madamong bahagi ng Taytay, Rizal.
Ang desisyon para sibakin ni Velasquez sina Insp. Amor Cerillo, PO1 Francisco Castillo at PO1 Jocelyn Samson ay bunga ng pagtatago ng mga ito matapos na matagpuan ang bangkay ng biktimang si Jonathan Diasanta na may isang tama ng bala ng baril sa ulo sa madamong bahagi sa kahabaan ng Manila East Road, Brgy. San Juan, Taytay, Rizal, noong Hulyo 23 ng madaling-araw na pinaniniwalaang kanilang pinatay.
Samantala, patuloy namang nagsasagawa ng manhunt operation ang mga kagawad ng Eastern Police District (EPD) at National Capital Region Police Office (NCRPO) sa tatlong suspect matapos na isampa ang kasong kidnapping with murder laban sa mga ito.
Matatandaang binagansiya ng mga suspect si Diasanta sa kahabaan ng EDSA Crossing sa Mandaluyong dakong alas-10 ng gabi noong Hulyo at dinala sa headquarters ng Mandaluyong police subalit inilabas din ito at isinakay sa patrol car matapos na tumanggi ang nanay ng biktima na magbigay ng P1,500 kapalit ng kalayaan nito. Ilang oras ang lumipas ay natagpuan ang bangkay nito na may tama ng bala ng baril sa ulo sa Taytay, Rizal. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended