5 kidnaper arestado
August 5, 2005 | 12:00am
Limang notoryus na miyembro ng kidnap-for-ransom (KFR) gang ang nasakote ng mga operatiba ng pulisya sa isinagawang operasyon sa Quezon City.
Sa inisyal na report, ang limang suspect ay pawang miyembrong Leyte Samar KFR gang na sangkot sa serye ng kidnapping at robbery/holdup sa Metro Manila kabilang na ang panghoholdap sa Metro Rail Trail (MRT) Station sa Kamuning, Quezon City.
Noong Setyembre 2003 ay isang security guard ang napatay matapos holdapin ng mga suspect ang nasabing MRT Station.
Nasamsam mula sa mga suspect ang limang piraso ng sari-saring uri ng mga baril, dalawang hand grenades, mga bala, uniporme ng pulisya at tatlong motorsiklo na ginagamit nila sa kanilang operasyon.
Sa rekord ng pulisya, mula Hunyo hanggang Hulyo ng taong ito ay umaabot sa 16 kaso ng KFR ang naireport sa mga awtoridad kung saan karamihan sa mga biktima ay pawang mga Filipino-Chinese. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended