Bungangerong biyenan todas sa manugang
August 5, 2005 | 12:00am
Patay ang isang 65-anyos na lalaki makaraang saksakin ito sa leeg ng kanyang lasing na manugang na kanyang binungangaan kahapon ng madaling-araw sa Marikina City.
Namatay habang nilalapatan ng lunas sa St. Vincent Hospital sanhi ng tinamong saksak sa leeg ang biktimang si Fernando Urbina, residente ng Balubad Resettlement Site, Brgy. Nangka, ng lungsod na ito. Samantala, agad namang nahuli ang suspect na si Judito Agapito, manugang ng biktima.
Ayon sa pulisya, naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang umuwing lasing ang suspect sa nasabing bahay at bungangaan ang biktima dahil sa lagi nitong pag-uwi ng madaling-araw at lasing.
Dahil sa epekto ng alak ay minura ng suspect ang biktima na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa makakuha ng patalim ang una at saksakin sa leeg ang huli.
Nagtangka pang tumakas ang suspect matapos ang insidente subalit mabilis din itong naaresto ng rumespondeng kagawad ng pulisya.
Kasalukuyan itong nakapiit sa Marikina detention cell habang inihahanda ang kasong homicide laban dito. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest