Pier pasasabugin ng 'Sisid bombers'
August 5, 2005 | 12:00am
Mas pinahigpit ngayon ang seguridad ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga pantalan sa buong bansa matapos ang ulat na magsasagawa ng pagpapasabog ang mga terorista sa pamamagitan ng mga "underwater bombers".
Itoy matapos na i-relay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang intel report sa PCG at sa Philippine Navy na may isang grupo ng divers na sinasanay ngayon upang maghasik ng terorismo.
Hindi naman pinangalanan ang naturang grupo na kasalukuyang nagsasanay umano sa mga karagatan dito sa Metro Manila at pangunahing target ang Port of Manila.
Hindi naman kumpirmado ang naturang ulat at patuloy pa rin ang isinasagawang beripikasyon sa balidad nito.
Sa kabila nito, agad na ipinag-utos ni PCG Vice Admiral Arthur Gosingan ang paghihigpit ng seguridad sa Port of Manila at iba pang pantalan maging ang seguridad din sa mga barko.
Sinabi nito na hindi nila maaaring ipagwalang-bahala ang naturang ulat dahil sa may intelligence report din ang PNP na dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang naririto sa Metro Manila para maghasik ng pananakot. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended