Ayon kay PACER chief Deputy Director Oscar Calderon, itoy matapos na magpalabas na ng warrant of arrest si Presiding Judge Agnes Reyes Carpio ng RTC Branch 261 ng Pasig City sa nasabing kaso laban kay Wang.
Sinabi ni Calderon na ang warrant of arrest laban kay Wang, alyas Andian Shir, girlfriend ni Roldan ay inisyu matapos itong isangkot sa kasong kidnapping for ransom sa 3-anyos na si Kenshi, alyas Ken-Ken.
Si Ken-Ken ay kinidnap ng grupo ni Roldan, Mitchelle Gumabao sa tunay na buhay noong Pebrero 9 sa unang palapag ng AIC Gold Tower Condominium at itinago sa Cubao, Quezon City.
Nauna nang nabulgar sa imbestigasyon ng PACER na si Wang ay schoolmate ng ina ng bata at kasama ni Roldan sa pagpaplano sa kidnap.
Magugunitang, P250 milyon ransom ang hinihingi ng grupo ni Roldan kapalit ng kalayaan ng bata.
Si Roldan at anim pa nitong kasabwat ay nasakote sa isinagawang rescue operations sa biktima sa safehouse ng grupo sa may Harvard St., Cubao, Quezon City. (Ulat ni Joy Cantos)