Isinulong kahapon ni Gonzalez ang pagbibigay ng libreng edukasyon at good conduct allowance sa mga bilanggo.
Sinabi ng solon na hindi dapat maging hadlang ang pagkakabilanggo para mabigyan ng libreng pag-aaral at makapagtapos ang isang inmate na gustong makapag-aral.
"It is a fact that many prisoners are unschooled or are illiterates which may be contributory to their transgression of the law," ani Gonzalez.
Marami aniyang bilanggo ang mabebenepisyuhan ng naturang panukala lalung-lalo na yung wala o mababa lang ang pinag-aralan.
Nakasaad sa House Bill 4447, gagawing mandatoryo ang pagkakaroon ng good conduct allowance sa mga bilanggo na lalahok sa literacy, skills at values development programs sa loob ng penal institutions.
Sinabi pa ng mambabatas na ang pagkakaroon ng kaalaman sa literacy o skills ay makakatulong sa mga bilanggo na makabalik sa sosyedad kapag nakalaya na ito mula sa kulungan. (Ulat ni Malou Rongalerios)