^

Metro

Libreng edukasyon sa mga preso, ipinanukala

-
Maaari nang magkaroon ng school diplomas ang mga miyembro ng Batang City Jail, Sputnik Gang at iba pang kriminal na nasa loob ng bilangguan sa sandaling maging isang ganap na batas ang House Bill 4447 na inihain ni Iloilo Rep. Raul Gonzalez Jr.

Isinulong kahapon ni Gonzalez ang pagbibigay ng libreng edukasyon at good conduct allowance sa mga bilanggo.

Sinabi ng solon na hindi dapat maging hadlang ang pagkakabilanggo para mabigyan ng libreng pag-aaral at makapagtapos ang isang inmate na gustong makapag-aral.

"It is a fact that many prisoners are unschooled or are illiterates which may be contributory to their transgression of the law," ani Gonzalez.

Marami aniyang bilanggo ang mabebenepisyuhan ng naturang panukala lalung-lalo na ’yung wala o mababa lang ang pinag-aralan.

Nakasaad sa House Bill 4447, gagawing mandatoryo ang pagkakaroon ng good conduct allowance sa mga bilanggo na lalahok sa literacy, skills at values development programs sa loob ng penal institutions.

Sinabi pa ng mambabatas na ang pagkakaroon ng kaalaman sa literacy o skills ay makakatulong sa mga bilanggo na ‘makabalik’ sa sosyedad kapag nakalaya na ito mula sa kulungan. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BATANG CITY JAIL

GONZALEZ

HOUSE BILL

ILOILO REP

ISINULONG

MAAARI

MALOU RONGALERIOS

RAUL GONZALEZ JR.

SINABI

SPUTNIK GANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with