7 biktima ng Dengue sa Malabon
August 2, 2005 | 12:00am
Naalarma ang mga residente ng isang barangay sa Malabon City makaraang magkakasabay na isinugod ang pito-katao na hinihinalang tinamaan ng nakamamatay na sakit na Dengue, kahapon ng umaga sa nasabing lungsod.
Batay sa nakalap na impormasyon, kasalukuyang nakaratay sa San Lazaro Hospital sina Glen Golondrina, 25; John Ictana, 12; Avis Sabalsa Tamayo, Ruth Basuelo, 14; Jovy Tamayo, 12; Ma. Fe Valor, 10; at Rodel Borica, 7, pawang mga residente ng Gozon Compound, Brgy. Tonsuya.
Nabatid na ang mga biktima ay kinakitaan ng mga sintomas ng nasabing sakit tulad ng pabalik-balik na lagnat, pamamantal sa katawan at pagdurugo ng ilong.
Isinisi naman ng mga residente ng nasabing barangay ang pagsulpot ng nasabing sakit dahil sa maruruming kanal at estero bukod pa sa palagiang pagbaha sa kanilang lugar.
Kaugnay nito, inatasan ni Malabon City Mayor Canuto "Tito" Oreta ang city health department na i-monitor ang mga biktimang napaulat sa ospital upang masiguro ang kaligtasan ng mga ito at mabatid kung Dengue nga ang dumapo sa mga ito.
Inihahanda na rin ng alkalde ang mga tauhan ng lokal na city health department na maghanda ng kaukulang gamot laban sa nasabing sakit upang mas madali itong maipamahagi sa naapektuhang mga residente.
Pinakilos na rin ng alkalde ang mga tauhan ng Engineering Dept. (ED) at General Services Dept. (GSD) na magsagawa ng de-clogging sa mga kanal lalo ang pagsasaayos sa mga lubak at sirang kalye na naiimbakan ng tubig upang maiwasan na maging itlugan ito ng mga lamok. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended