Nasakoteng drug trafficker, lider ng transnational drug ring sa SEA
August 2, 2005 | 12:00am
Lider ng transnational drug ring na nag-ooperate sa Southeast Asia ang isa sa anim na drug trafficker na nasakote sa isinagawang serye ng raid sa tatlong laboratoryo ng shabu sa Quezon City noong nakalipas na Biyernes.
Ayon kay PNP-Anti-Illegal Drugs Special Operations-Task Force (PNP-AID-SOTF) Chief Deputy Gen. Ricardo de Leon, sa isinagawa nilang tactical interrogation ay natuklasang ang suspect na si Wu Jin Tang, alyas Peter Angeles Ngo ang siyang nangangasiwa sa operasyon ng isang big-time drug syndicate sa bansa na ang punong drug ring ay sa China nakabase.
Nabatid kay De Leon na ang tatlong apartment sa Liwayway, Bulletin at Timog streets na sinalakay ng mga operatiba ng anti-narcotics agents noong Biyernes ay nirerentahan ni Wu.
Maliban kay Ngo, nasakote rin sa raid sina Hong Sia Jian, Wu Lin Chang, Henry Tan Ang, Hung Chan Lo at Ho Yan Che, pawang mga Chinese nationals.
Nasamsam mula sa raid ang 65 kilo ng methamphetamine hydrochloride o shabu at 25 crates ng mga kemikal tulad ng ephedrine na nagkakahalaga ng P131 milyon. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended