^

Metro

Sanggol hulog sa duyan lunod pa sa ilog

-
Nasawi ang isang sanggol matapos itong malunod sa ilog nang aksidenteng mahulog mula sa kinalalagyan nitong duyan nang maiwang mag-isa, kahapon ng umaga sa Navotas.

Ang biktima na patay na nang matagpuan ng mga kaanak, habang halos namamaga na ang tiyan sanhi ng maruming tubig na nainom ay nakilalang si Baby Garcia, 1-taong gulang, ng North Bay Blvd. South ng nasabing bayan.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-6 ng umaga nang maiwan ang biktima habang natutulog sa duyan nito ngunit pagbalik ng ina nito ay wala na ang sanggol sa pinag-iwanang duyan. Agad itong nanghingi ng tulong sa mga barangay tanod hanggang sa may makapagsabing baka nahulog sa ilog ang sanggol base na rin sa salaysay ng ina nito na nakataob ang pinag-iwanang duyan sa biktima.

Nagkani-kanyang hanap ang mga tanod sa ilalim ng bahay ng pamilya Garcia ngunit hindi rin ito natagpuan hanggang sa may makapagsabing baka tinangay ito dahil na rin sa malakas na alon.

Makalipas ang ilang minuto, isang tanod ang nakapagsabi sa ina ng biktima na natagpuan na ang sanggol sa Malabon-Navotas river na lumulutang kasama ng mga basura at wala nang buhay. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

AYON

BABY GARCIA

GARCIA

MAKALIPAS

MALABON-NAVOTAS

NAGKANI

NASAWI

NAVOTAS

NORTH BAY BLVD

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with