Pintor napagkamalang holdaper, patay sa pulis
August 2, 2005 | 12:00am
Nakatakdang sampahan ng kasong kriminal ng pamilya ng isang pintor ang isang pulis-Maynila matapos na barilin ang biktima habang nakataas na umano ang kamay nito nang mapagkamalang holdaper, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.
Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang biktima na nakilalang si William Godoy, 24, ng 3201 E. Limay St., Tondo, Maynila.
Kasalukuyan namang isinailalim sa masusing imbestigasyon sa MPD-Homicide Section ang pulis na si PO3 Roberto Abanilla, nakatalaga sa Police Station 7.
Nabatid sa ulat na naganap ang pamamaril dakong alas-10:30 ng gabi kung saan nakita ng mga saksi na hinahabol ni Abanilla ang tumatakbong biktima sa eskinita ng Trinidad St., Tondo.
Depensa ni Abanilla, nangholdap umano ng isang pampasaherong jeep ang biktima kaya niya ito hinabol. Nagtangka umano itong manlaban kaya niya pinaputukan ng baril upang depensahan ang sarili.
Ngunit ayon sa mga saksi, wala naman umanong armas si Godoy na posibleng ipanakit sa pulis at nakataas na umano ang dalawang kamay nito ay binaril pa ng pulis sa may dibdib.
Sinabi rin ng mga kamag-anak ni Godoy na hindi umano ito holdaper at nagtatrabaho ng matino bilang pintor ng mga bahay. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended