Ayon kay Jun Magno, pangulo ng Confederation of FX, Highlander, AUV Operators Drivers Association, tiyak na mauubos ang Tamaraw FX Taxi sa lansangan dahil na rin sa kautusan ng LTFRB na palitan ng prangkisa ang mga FX taxi.
Nakasaad sa memo na dapat nang i-convert ang kanilang dating Mega Franchise ng Express Service Franchise upang makasingil bawat pasahero.
Subalit ang maaari lamang na palitan ng prangkisa sa kautusan ng LTFRB ay ang mga FX taxi na 1998 model pataas. Umaabot din sa P50,000 ang halaga ng prangkisa ng bawat FX. (Edwin Balasa)