Misis ng pulis nagbaril sa sarili
July 31, 2005 | 12:00am
Nagbaril sa sarili ang misis ng isang kagawad ng Criminal Investigation and Detection Group ( CIDG) sa loob ng kanyang silid matapos umanong magkatampuhan ang mag-asawa, kahapon ng umaga sa Caloocan City.
Dead on Arrival sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital si Ma. Ethel Borromeo, 33, ng Barrio San Lazaro, Brgy. 187, Tala ng nasabing lungsod.
Nabatid na ginamit ng biktima ang .38 kalibreng baril ng kanyang asawang pulis at ipinutok sa likurang bahagi ng kanyang ulo at naglagos sa kanang mata.
Sa ulat, dakong alas-10:15 nang matagpuan ang duguang katawan ng biktima sa loob ng kuwarto nito ng kanyang kapatid na si Eugenio Guillermo.
Ilang araw bago maganap ang insidente, kinakitaan ng matinding kalungkutan ang biktima matapos umanong magkatampuhan ito at ang kanyang asawang pulis sa hindi nabatid na kadahilanan.
Kamakalawa ng gabi ay sumabay pang maghapunan ang nasawi sa mga kaanak at matapos kumain ay agad na pumasok sa kanilang kuwarto.
Kinabukasan ay nakarinig na lamang ng putok ng baril ang mga kasambahay ng biktima mula sa kuwarto nito at nang puntahan ay nakitang duguang nakahandusay ang biktima.
Sa isinagawang ocular inspection ng mga awtoridad, narekober ng mga ito ang baril na sinasabing ginamit ng misis sa kanyang pagpapakamatay na may limang bala at isang empty shell.
Kaugnay nito, hiniling ng mga kaanak ng biktima sa pulisya na magsagawa ng masusing imbestigasyon hinggil sa pagkamatay ng biktima sa dahilang naniniwala sila na may naganap na foul play sa insidente.
"Wala sigurong taong nagbaril sa sarili na itinutok ang dulo ng baril sa likurang bahagi ng ulo at saka ipinutok, mahirap na posisyon yata iyon kung magpapakamatay ay sa sentido ang duluhan ng baril," wika ng kaanak ng biktima. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended