Manila plice umalerto vs kidnapping
July 30, 2005 | 12:00am
Matapos na muling magreklamo ang Citizens Action Against Crime (CAAC) sa pagtaas ng insidente ng kidnapping, muling nagpatupad ng mahigpit na seguridad ang Manila Police District (MPD) partikular na sa Chinese community sa lungsod.
Isiniwalat kamakailan ni CAAC Chairperson Teresita Ang See na tumaas ang insidente ng kidnapping sa bansa nitong nakalipas na dalawang buwan hindi lang sa kapwa niya Tsinoy.
Sinabi ni See na hindi umano ito nakasama sa datos ng pulisya dahil sa takot ang pamilya ng mga biktima na i-report ang pangyayari.
Wala rin umanong tiwala ang mga Tsinoy na mag-ulat sa MPD dahil sa hindi magandang kredibilidad dahil sa pagkakasangkot ng marami dito sa hulidap.
Dahil dito, ipinag-utos ni MPD director Pedro Bulaong ang pagdaragdag ng police visibility sa China town sa Binondo, Maynila at mga exclusive schools ng mga batang Tsinoy sa lungsod.
Sa kabila nito, humingi rin ng tulong ang pulisya sa publiko na agad na magbigay ng impormasyon ukol sa insidente ng kidnapping, partikular na kung mga pulis ang hinihinalang sangkot sa operasyon.
Ito ay matapos na ilang impormasyon ang natanggap ng intelligence division mismo ng MPD na ilang pulis-Maynila na kilala sa tawag na Ninja ang nasa likod ng ilang pagdukot sa mga mayayamang Tsinoy. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest