Perang napanalunan sa sabong ugat ng Caloocan massacre
July 30, 2005 | 12:00am
Robbery ang lumalakas na motibo ng suspect na si Juanito Espinosa, 32, alyas Tyson sa pagmasaker nito sa apat katao sa Caloocan City noong nakaraang Miyerkules.
Kasabay nito, ipinakalat na ng pulisya ang larawan ng suspect na si Tyson sa ibat-ibang lugar para sa madaling pagkakadakip dito.
Sa pinaka-huling development ng kaso, hawak na ng pulisya ang asawa ni Tyson na si Maria, na anim na buwang-buntis para magbigay ng iba pang impormasyon sa suspect.
Sinasabing lumalakas na robbery ang motibo sa pagpaslang makaraang mabatid ng pulisya na noong nakalipas na Hulyo 13 ay nagsabong ang amo ng suspect na si Andrew Luis Villa, 40 kasama si Tyson sa Roligon Cockpit Arena sa Pasay City. Anim na manok nila ang nanalo ng halagang P300,000.
Inabot pa ng madaling-araw ng Hulyo 14 ang pagsasabong ng dalawa na ito ay kaarawan naman ni Tyson na naglakas loob na mag-advance ng sahod sa amo para umano may maipanghanda man lang sa kanyang pamilya, subalit hindi umano ito pinautang ng biktima.
Posibleng nagtanim din ng sama ng loob ang suspect at plinano ang pagnanakaw sa amo,
Magugunitang nasawi rin sa insidente ang anak ni Andrew na si Lang-lang, 12; si Joy Cam, 19, ka-live in ni Andrew at ang katulong na si Manang, 60.
Si Tyson ay sinasabing taga-alaga din ng mga manok na panabong ni Andrew. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended