Starlet biktima ng 'Laglag panyo gang'
July 30, 2005 | 12:00am
Arestado ang tatlong kababaihan na miyembro ng Laglag Panyo Gang, habang nakatakas naman ang dalawang kasamahan ng mga ito makaraang dukutan nila ang isang starlet habang nakasakay ng escalator sa isang mall, kamakalawa ng gabi sa Mandaluyong City.
Kinilala ni Supt. Ericson Velasquez, hepe ng Mandaluyong police ang mga naarestong suspect na sina Ofelia Verana, 16, Daisy Guevarra, 23; at Christina Marquez, 43, pawang ng Masbate St., Sampaloc Manila.
Ayon sa biktimang si Ramona Revilla, 26, Mohsyl Enfasian sa tunay na buhay at residente ng 200 Aguirre St., Phase II BF Homes, Parañaque City na dakong alas-6 ng gabi habang pababa siya sa ika-apat na palapag ng escalator ng isang malaking mall sa EDSA Mandaluyong City kasama ang isang kaibigan ay sumabay sa kanila ang limang kababaihan at pinalibutan sila ng mga ito.
Nabatid na naglaglag ng panyo ang isa sa mga suspect na nakatawag atensyon sa starlet na sinamantala ng isa pa sa mga suspect at dinukot ang wallet ng biktima sa loob ng bag.
Nakita naman ng kaibigan ni Revilla ang pangyayari kaya sinita niya ang mandurukot na nauwi sa habulan sa loob ng mall. Naaresto ang tatlong suspect ng rumespondeng kagawad ng pulisya subalit hindi na nakuha ang wallet na Louis Vuitton na nagkakahalaga ng P30,000 at cash na P19,500 ng biktima. Hinihinalang pinagpasa-pasahan ito ng mga suspect.
Napag-alaman pa na ang mga modus operandi ng mga suspect ay katulad din ng ganito ring kasong naganap sa Hong Kong kaya naniniwalaa ang pulisya na isang malaking sindikato ang nasabing grupo at hindi lamang sa Pilipinas nag-ooperate kundi maging sa ibang bansa. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended