3 miyembro ng robbery syndicate timbog
July 28, 2005 | 12:00am
Tatlo katao na pinaniniwalaang miyembro ng big-time robbery syndicate na responsable sa mga serye ng holdapan sa Kalakhang Maynila ang nadakip habang pinaghahanap pa ang lider ng mga ito, kahapon ng umaga sa Valenzuela City.
Kasalukuyang nakakulong si Gilbert Ellado, 32, ng 40 Villa Liwayway Subd., Brgy. Maysan ng nasabing lungsod at umanoy driver-bodyguard ni Gamay, Northern Samar Mayor Rodolfo Apoquian.
Kasama ring naaresto ang mga kasamahan nito na sina Jessie Isidro, 35, tubong-Northern Samar at residente ng Limay, Bataan; at Norlito Medollar, 38, tubong-Pilar, Sorsogon at naninirahan sa 363 Marcelo St., Maysan, Valenzuela habang patuloy na pinaghahanap ang isang Carlito Balasta na sinasabing utak ng sindikato.
Ang mga suspect ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Nena Santos, Valenzuela City Regional Trial Court (VCRTC) Branch 171 dahil sa kasong panghoholdap.
Nabatid na si Ellado ay positibong kinilala ng biktimang si Jocelyn Mercado, isang OFW na tinangayan ng suspect ng halagang P500,000.
Sa naging pahayag ni Mercado sa pulisya, naganap ang panggagantso sa kanya noong June 25, 2005 sa kanyang bahay sa 39 Tanigue St., Maysan, Valenzuela.
Nabatid na modus operandi ng mga suspect ang magpanggap na mga delivery boy at biglang papasok sa bahay ng biktima at tatangayin ang mga cash at alahas.
Matapos ang naganap na insidente, agad na nagsumbong ang biktima sa mga awtoridad na nagsagawa ng mahigit isang linggong pagmamanman na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspect sa isang bahay sa Brgy. Parada, Valenzuela dakong alas-10 ng umaga habang pinaghahatian ang nakulimbat.
Base sa naging pakikipag-ugnayan ng Valenzuela-PNP sa himpilan ng Central Police District Office, ang grupo ni Ellado ang nangholdap din sa MC Cellphone Company sa Roosevelt, Quezon City noong Hulyo 10, 2005 kung saan ginamit na get-away vehicle ng mga ito ang isang motorsiklong may plakang UT-9130 na nakarehistro kay Gilbert Ellado. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am