Ex-police dedo sa shootout
July 28, 2005 | 12:00am
Isang dating pulis na hinihinalang tulak ng droga at sangkot sa pagpaslang sa dalawang tauhan ng Phil. Air Force ang nasawi matapos itong makipagsagupaan sa mga dati nitong kabaro habang aarestuhin ito sa isinagawang anti-drug operation, kamakalawa sa Taguig City.
Dead on arrival sa Rizal Medical Center ang suspect na si ex- SPO4 Manuel Fernandez, 42, sanhi ng tinamong mga tama ng mga bala sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Sa ulat ng pulisya, nabatid na simula ng matanggal sa pagka-pulis si Fernandez matapos masangkot sa pagpaslang sa dalawang tauhan ng PAF ay nagtago na ito hanggang sa luminya sa pagbebenta ng droga sa ilang lugar sa Taguig.
Dakong alas-6 ng gabi sa Faculty St., Brgy. Santa Ana, Taguig City kung saan nakatira ang suspect ay naglunsad ng operation ang mga awtoridad.
Inihain ng mga pulis sa suspect ang dalang warrant of arrest subalit imbes na sumuko ito ay nanlaban at nakipagpalitan ng putok ng baril sa mga arresting officer.
Nahagip ng bala si Fernandez at isinugod sa pagamutan subalit hindi na rin umabot nang buhay.
Sa panig naman ng mga kaanak ni Fernandez, itinanggi ng mga ito na lumaban ang suspect at kasalukuyan umanong kumakain ito ng tugisin ng mga awtoridad. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest