Ayon kay LTFRB Chairperson Ma. Elena Bautista, batay sa bagong fare guide, ang airport taxi ay dapat maningil lamang ng P150 para sa 2.55 kilometers; P330 para sa 5 km; P440 para sa 7.5 km; P530 para sa 10 km at P610 para sa 12.5 km.
Samantalang dagdag na P42 per kilometer ang kokolektahin sa susunod na 30 hanggang 100 km at P25 para sa susunod na kilometro paglampas ng 100 km.
Una rito, ang Nissan Car Lease Philippines Inc., isa sa mga operator ng airport taxi ay nagsampa ng petisyon sa LTFRB na humihiling para sa P33 per km taas sa singil sa pasahe mula NAIA sa alinmang destinasyon.
Ito ayon sa naturang petitioner ay bunsod ng naging pagtaas sa halaga ng produkto ng petrolyo, equipment, spare parts, cost of labor, electricity at rentals. (Ulat ni Angie dela Cruz)