Habang papunta sa anti-GMA rally: Vice-president ng FPJ movement patay sa sagasa
July 26, 2005 | 12:00am
Nasawi ang vice president ng Filipinos for Peace, Justice and Progressive Movement (FPJPM) nang maaksidente ito habang papunta sa kilos-protesta sa Commonwealth Avenue, kahapon ng umaga sa Quezon City.
Agad na isinugod sa Gen. Malvar Hospital ang biktimang si Saturnino John Moldero, 56, ng #3 Avery St., Filinvest 2, Quezon City subalit namatay din ito matapos ang ilang oras.
Nasa kustodiya naman ng Traffic Enforcement Group-Traffic Sector 5 si Arnel Ariola, 28, ng #3 Banaba St., Zone 4, Taguig, MM, driver ng Mitsubishi Canter aluminum van na may plakang UUX-475.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9 ng umaga nang maganap ang insidente sa may Tandang Sora sa tapat mismo ng Sto. Niño Shrine Church malapit sa kanto ng Feria Rd., Brgy. Holy Spirit.
Napag-alaman na kapwa binabaybay ng biktima na sakay naman ng Zongshen motorcycle (UN 7800) at ng suspect ang nasabing kalsada nang bigla na lamang umanong nabangga ng huli ang sasakyan ng una. Dahil sa lakas ng pagkabangga ay tumilapon ang biktima.
Agad namang naaresto ang suspect habang mabilis namang naisugod sa pagamutan ang biktima subalit dakong alas-9:20 ay idineklara itong patay.
Napag-alaman na agad ding nagtungo sa pagamutan si Makati Mayor Jejomar Binay upang makita ang kasama nilang lider na tagasuporta ng yumaong Action King na si Fernando Poe Jr. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest