^

Metro

Sekyu, estudyante utas sa pananaksak

-
Isang security guard at isang estudyante ang napatay sa saksak sa magkahiwalay na insidente kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Dead-on-the-spot ang biktima na si Lyne Vecaoco, 24, nakatalaga sa Claret Church sa may Brgy. UP Village matapos na magtamo ng saksak sa katawan.

Ayon kay PO3 Joseph Diño ng QCPD-CIU, ang bangkay ng biktima ay nakita ni Eulogio Cruz, isa ring guwardiya, na naliligo sa sariling dugo.

Naniniwala ang pulisya na biktima ng ‘Agaw-Armas Gang’ ang biktima dahil nawawala ang baril, cellphone, relo at wallet nito.

Samantala, patay naman nang idating sa East Avenue Medical Center ang biktimang si Peter Abbon, 28, ng Phase 2, Bagong Silang, Caloocan na nagtamo ng maraming saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Kinilala naman ni Supt. Popoy Lipana, hepe ng QCPD-CIU ang mga suspect na sina Juan Dino Sarmiento, 32, laborer ng No. 44 Dupax St. at Ereneo Lazaro,21 residente ng No. 45 Samba Road, kapwa nasasakupan ng Brgy. Old, Balara ng nabanggit ding lungsod.

Batay sa imbestigasyon ni Diño, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang mangyari ang pananaksak sa tapat ng Jacob’s Grill sa Commonwealth Ave., Brgy. Batasan Hills.

Naglalakad ang biktima kasama ang anim na kaibigan nang makasalubong ng mga ito ang mga suspect na kapwa lango sa alak.

Napatitig umano ang biktima sa mga suspect na minasama ng mga ito hanggang sa bigla na lamang inundayan ng saksak ang una. Dahil sa takot nagtakbuhan ang mga kasama ng biktima.

Ang mga suspect ay nadakip ng nagrespondeng barangay tanod. (Doris Franche)

AGAW-ARMAS GANG

BAGONG SILANG

BATASAN HILLS

BIKTIMA

BRGY

CLARET CHURCH

COMMONWEALTH AVE

DORIS FRANCHE

DUPAX ST.

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with